Sapilitang natanggal sa trabaho? Ano nga ba ang tulong na maaaring makuha?

Noong Oktubre ng isang taon, may naitalang 8.7% unemployment rate sa bansa. Tumatayang 4.6 milyon na Pilipino ang nawalan ng trabaho.  Mababa man ito kaysa sa report noong Hulyo na may 10% na bilang, mas malala pa rin ang sitwasyon ngayon dahil noong Oktubre ng 2019, 4.6% lamang ang unemployment rate sa bansa. 

Hindi maitatanggi na isa sa pinakamalaking suliranin ang pandemya sa paglobo ng bilang ng nawalan ng trabaho. Matatandaan na noong Marso hanggang Mayo ng 2020, 75% ng ekonomiya ang nahinto dahil sa enhanced community quarantine. Nagsimula man mabuksan muli ang mga korporasyon at nagkarooon ng economic movement, marami pa ring kumpanya ang nagpasyang magsara at magtigil operasyon dahil sa pagkalugi. Marami ding kumpanya ang nagtanggal ng labor force o empleyado para maipagpatuloy pa rin ang operasyon nito. 

Para sa inyong kaalaman, mayroon tayong tinatawag na Unemployment Separation Benefit alinsunod sa Section 14 – B ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 kung saan mabibigyan ng unemployment benefit ang mga miyembro ng labor force na sapilitang nawalan ng trabaho. 

Ito ay cash benefit na ipinagkakaloob sa mga empleyado na sapilitang nawalan ng trabaho. Saklaw din ng nasabing unemployment benefit ang mga kasambahay at Overseas Filipino Workers. 

Kinakailangan ang pagkatanggal sa trabaho ay sanhi ng mga sumusunod na kadahilanan para makapag-apply ng nasabing unemployment benefit. 

– redundancy

– pagbabawas ng empleyado

– pag-automate ng mga makinarya na naging sanhi sa pagtanggal ng labor force

– pagsara ng korporasyon o pagtigil ng operasyon nito

– may sakit o karamdaman na maaaring makaapekto sa kalusugan ng iba pang kasamahan sa trabaho o ang nasabing karamdaman ay ipinagbabawal ng batas sa pagpatuloy na pagtrabaho

– nagawan ng masama ng employer o kanyang kinatawan 

– hindi makataong trato ng employer

– matinding panghahamak ng employer

– pagbagsak ng ekonomiya

– likas o kagagawan ng tao na kalamidad o sakuna 

Bilang karagdagan, narito ang mga kondisyon upang makakuha ng tinatalakay na benepisyo. 

Ang mga empleyado na sapilitang nawalan ng trabaho ay dapat ding hindi lalagpas sa edad na 60. Kung underground o surface mineworker, hindi lalampas sa edad na 50 at kung racehorse jockey naman, hindi lalampas sa edad na 55. 

Sila din ay may kontribusyon sa SSS na hindi bababa sa 36 buwanang kontribusyon, 12 sa mga ito ay dapat nasa loob ng 18 buwan bago ang buwan kung kailan sapilitang natanggalan ng trabaho. 

Maaari kang mag-claim ng benepisyo isang beses kada tatlong taon simula sa petsa ng pagkatanggal ng trabaho. May application process at requirements upang makapag-file ng unemployment benefit. Ang nasabing application ay maaaring i-file sa DOLE Field o Provincial Office kung saan nakabase ang kumpanya para sa mga empleyado at kasambahay na nasa Pilipinas. Para naman sa mga OFW, pwedeng i-file sa POLO kung saan nag-ooperate ang employer o sa DOLE Field o Provincial Office kung saan naninirahan ang OFW. 

Para sa kabuuang impormasyon at listahan ng requirements, magtungo sa www.sss.gov.ph

Comments

  1. shirly ygay February 18, 2021 Reply
  2. Jean aprecio ariola February 18, 2021 Reply
  3. edelyn tapalla February 19, 2021 Reply
  4. edelyn tapalla February 19, 2021 Reply
  5. Jover D. Lagumbay February 19, 2021 Reply
  6. Mildred castro February 19, 2021 Reply
  7. Aris Mercado February 19, 2021 Reply
  8. DIMAS O. SARIO February 20, 2021 Reply
  9. DIMAS O. SARIO February 20, 2021 Reply
  10. DIMAS O. SARIO February 20, 2021 Reply
  11. Alexis Dollete March 9, 2021 Reply
  12. Jesielyn Siega April 3, 2021 Reply
  13. Jesielyn Siega April 3, 2021 Reply
  14. Jesielyn Siega April 4, 2021 Reply
  15. where web hosting August 28, 2021 Reply
  16. http://bitly.com/ August 30, 2021 Reply
  17. http://bit.ly/3sYk1u8 August 31, 2021 Reply
  18. was asmr September 3, 2021 Reply
  19. asmr their September 6, 2021 Reply
  20. Rafael Delos Santos February 2, 2022 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *