“Travel goals”, paano pa nga ba ipagpapatuloy ngayong panahon ng pandemya?

Boracay, Baguio, El Nido, iilan lamang ‘yan sa mga travel goal destinations hindi lang ng mga Pinoy ngunit pati ng mga foreigners! Nitong Enero lamang, hinirang na pangalawa sa pinaka “instagrammable place” ang Pilipinas sa buong mundo sa taong 2021. Ito ay ayon sa isang international travel website na Big 7 Travel. Ayon pa sa nasabing travel website, nakuha ng Pilipinas ang nasabing distinction dahil sa yaman ng ating kultura, kasaysayan at ang natural at likas na ganda ng bansa.

Sa katunayan, ang turismo ay may kontribusyon na 12.7% sa ating Gross Domestic Product o GDP noong 2019. Ang nasabing GDP ay sinusukat ang kabuuang produksyon ng produkto at kagalingang ekonomiko ng bansa. Ibig sabihin, malaki ang impact ng turismo sa paglakas ng ekonomiya ng bansa dahil sa laki ng produksyon at dami ng bilang ng trabaho na nabibigay nito para sa mga Pilipino.

Subalit, dahil sa kinakaharap na pandemya, ang sektor ng turismo din ang isa sa pinaka naapektuhan ng nasabing krisis magmula noong ang bansa ay sumailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ. Kaya naman, laking bagay na karamihan sa mga lugar sa bansa ngayon ay nasa ilalim na ng Modified at General Community Quarantine. Dahil dito nagsimula na magbukas muli ang turismo sa bansa. At, ang naudlot na travel goals sa bansa, posible na basta’t susunod sa mga bagong travel protocols.

Unahin na natin ang isa sa mga crowd favorite, ang isla ng Boracay! Perfect dito ang family travel goals dahil wala silang itinalang age limit sa mga turista. Ang kailangan lang ay mag-comply sa mga sumusunod na requirements:

1. Negative RT – PCR test result sa loob ng 72 hours bago ang petsa ng travel

2. Hotel confirmation mula sa DOT accredited accommodation  establishment na mayroong Certificate of Authority to Operate o CAO

3. Valid ID na may address na nagpapatunay na ikaw ay naninirahan sa lugar na nasa ilalim ng GCQ o MGCQ.

4. Health declaration form

Kung gusto damahin ang lamig ng weather sa Baguio City habang kumakain ng ube at strawberry taho ngayong summer, ang mga turista na nasa edad 15 hanggang 65 ay papayagang dumalo. Bukod sa mga nasa edad lagpas ng nasabing age bracket, ipinagbabawal din ang buntis at may karamdaman. Narito din ang  iba pang mga requirements.

1. Magcreate ng Baguio VISITA account at doon magregister. Ihanda ang mga sumusunod bilang kailangan ito i-upload sa nasabing account.

– valid ID

– current photo ng mga turista

– kumpirmadong itinerary at accommodation booking

– negative result ng Covid 19 test

2. Huwag kalimutan i-save ang QR Code Tourist Pass o QTP. Ito ay iyong magsisilbing health declaration ID at travel pass. Ang nasabing QTP ay ipapadala sa iyong email kung kumpleto ang lahat ng requirements na ipinasa.

3. Magtungo sa Baguio Center for triage. Kahit nakatungtong na sa Baguio, kinakailangan pa rin sumunod sa sanitation procedures sa nasabing triage center. Ipakita din ang QTP sa mga triage officers. Dumiretso sa inyong hotel at muling ipakita sa receptionist ang QTP.

Kung gusto naman mag-island hopping sa isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo, ang El Nido, good news nga naman dahil bukas na ito para sa mga local tourists. Narito ang mga requirements na kailangan sundin.

  1. Sagutan ang Health Declaration form na makukuha sa El Nido Tourism website

2. Kailangan may negative swab test result na kuha lamang sa loob ng 48 na oras bago ang petsa ng travel

3. Magbook lamang ng accommodation sa mga lugar o establishment na may Certificate of Authority to Operate o CAO

4.  Sumunod sa border control requirements gaya ng pagdalo sa isang tourism briefing, health check interview at pagbayad ng ecotourism development fee

5. Kumuha ng QR – coded tourist ID mula sa guest.elnidotourism.ph. Huwag kalimutan na magbook ng island tour ng mas maaga o 1 day advance bago ang nasabing activity. Kailangan ito din ay mula sa DOT accredited tour operator.

Magpunta man kayo sa Boracay, El Nido, Baguio o kahit saan pang tourist spot ‘yan, narito pa ang mga karagdagang travel tips na kailangan sundin para ang travel goals ay ma-enjoy ng lubusan nang walang pahamak na dinadala.

  1. Ugaliing magsuot ng face mask at mag-sanitize

2. I-observe ang social distancing lalo na’t kung lalabas ng hotel

3. Sumunod sa mga health protocols ng bawat establishment na pupuntahan gaya ng pagsagot ng health declaration form, pagkuha ng temperature, pagprisinta ng valid ID

4. Magbook lamang ng accommodation hotel sa mga DOT – accredited establishment

5. Laging dalhin ang mga importanteng gamit gaya ng ID, QTP o QR code at travel documents kahit san ka man magpunta

6. Maging maalam sa mga protocols ng lugar na iyong pinapasyalan

7. Sundin lamang ang iyong idineklarang travel itinerary

8. Huwag magsubmit ng pekeng travel documents o requirements

9. Planuhin maigi ang pagtravel

10. Huwag nang magtravel kung may karamdaman

Hindi magiging travel goals ang iyong bakasyon kung ikaw ay hindi magiging turista goals. Maging mabuting ehemplo sa lahat sa pamamagitan ng pagsunod ng napaka-basic na safety protocols. Huwag mahiya kung ikaw ay palakad-lakad sa beach o sa ibang pasyalan nang naka-mask. Mas mahiya ka kung ikaw ay pumapasyal ng walang mask.

Para sa mas kumpletong travel guidelines sa Pilipinas, magtungo sa https://philippines.travel/search

Comments

  1. Christopher Simbulan March 2, 2021 Reply
  2. Rowena domingo March 2, 2021 Reply
  3. Jane Asis March 7, 2021 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *