MAG-ADD TO CART NA SA IDOL SHOPPING NETWORK!

Idol Shopping Network, handa nang magbigay ng pinaka mapagkakatiwalaang online shopping experience!



“Happy Idol shopping!”, ‘yan ang pinapangako ng Idol Shopping Network (ISN) ni Idol Raffy Tulfo para sa inyo, mga ka-IDOL.

Dito, makakasiguro kang:

1. Isa itong virtual market na para rin sa mga maliliit na negosyante gaya ng mga magsasaka at tindero ng prutas at gulay.

2. Legit ang mga produktong ibinebenta at hindi ka maloloko ng merchants, re-sellers at buyers.

3. Garantisadong pumasa sa quality control standards ang mga produkto.

Sa mga nais namang magrehistro, sundin lamang ang mga sumusunod:



Step 1. I-type ang idolshoppingnetwork.com sa iyong browser.


Step 2. I-click ang “Register here” button sa kanang itaas na bahagi ng website.

Step 3. Sagutan at ibigay ang mga hinihinging detalye kasama ang password na dapat magtaglay ng: maliit at malaking letra, numero at special characters (@!#$?). Matapos basahin ang terms and conditions, huwag kalimutang lagyan ito ng check ✅.



Step 4. Matapos ibigay ang mga hinihinging impormasyon, mayroong verification code na ipapadala sa iyong email.

Step 5.  I-verify agad ang iyong ISN account via email, kopyahin ito, bumalik sa ISN website at ilagay ang code sa verification field upang makumpirma ito.


Simple lang, ‘di ba?

Kung nais mo namang maging merchant o online seller ng ISN, kailangan mo lamang mag-message sa Facebook account na Idol SN na ekslusibo sa mga interesadong maging merchant. Mayroong representative na sasagot sa iyong mensahe at sa kasalukuyan, ito ay para lamang sa mga nakabase sa Metro Manila. Maghintay lamang ng anunsyo para sa mga merchant na nasa labas ng Metro Manila sa susunod na mga araw.


Abangan rin sa ISN ang pagbenta Idol Raffy ng kanyang  collection ng mga branded at limited edition shoes na kanyang sinusuot sa Idol In Action, polo shirts na kanyang ginagamit sa Wanted sa Radyo, long sleeves na kanyang suot sa Wanted: Ang Serye at ang kanyang mga ginagamit na suit sa Frontline Pilipinas.


Ibebenta ang mga ito sa presyong abot-kaya at mapupunta naman sa charity ang mga kikitain dito.  Naka-jackpot ka na ng collection ni Idol, nakatulong ka pa! Lahat ng ‘yan ay eksklusibo lamang sa Idol SHopping Network!


Kaya ano pa ang hinihintay ninyo mga ka-IDOL? Maging parte na ng growing Idol Shopping Network family. Happy Idol Shopping!

Comments

  1. Jhanel montaniel March 25, 2021 Reply
    • Charina Dordas April 7, 2021 Reply
    • Kim domingo August 13, 2021 Reply
  2. Lilian reyes March 25, 2021 Reply
  3. Susana Tanudra March 26, 2021 Reply
  4. Orlean natividad March 26, 2021 Reply
  5. Aireen Flores March 27, 2021 Reply
  6. aladdincaraquel March 28, 2021 Reply
  7. Armando P. Mahilum March 28, 2021 Reply
  8. Jennifer noprada March 28, 2021 Reply
  9. ALTONJAMESDECENA April 5, 2021 Reply
  10. Annabelle E. Sabit April 10, 2021 Reply
    • Annabelle E. Sabit April 10, 2021 Reply
      • nestlie panoncia July 26, 2022 Reply
  11. Annabelle E. Sabit April 10, 2021 Reply
  12. nestlie panoncia July 26, 2022 Reply
  13. Marie faith g. Delos santos October 25, 2022 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *