Pagkain ng abatod o coconut worm ng bata sa viral video, sapat na dahilan nga ba upang ma-bash ang pamilya ng bata?

Samu’t- saring pamba-bash ang natanggap ng mga magulang at pamilya ng bata sa nakuhanang viral video kung saan makikita na kumakain ng coconut worm o abatod ang batang anak. Nakikiusap ang mga magulang ng bata kay Idol Raffy na tulungan siya upang ang nasabing pamba-bash ng netizens ay matigil na. Sa kasalukuyan, ang viral video ay may higit kumulang 9 million views na at may halos mag-iisang libong comments.

Ang mga katanungan na ating sasagutin:
1. Ano ba ang coconut worm? Nakakain ba ito?
2. Masama ba ito sa kalusugan ng tao?
3. Karapat – dapat ba ang natatanggap na bashing ng pamilya ng bata lalong lalo na ang mga magulang?

Ang coconut worm o sago worm ay mas kilala sa tawag na Duong dua at coconut weevils sa Vietnam kung saan ito ay tinuturing na specialty ng mga Vietnamese. Ito pala ay larva ng tinatawag na coconut rhinoceros beetle, isang uri ng insekto na kadalasan nakikita sa mga patay na puno ng niyog kung saan paborito nilang kainin ang pinakabatang parte ng puno na naglalaman ng malulusog na protina at iba pang sustansya. Dito sa atin, kadalasan na tawag dito ay abatod o kaya uok.

Ito ay nagmula sa Tropical Asia, rehiyon ng Asya na nakakaranas ng tropical na klima.
Ito ay nakakain hindi lang sa Vietnam kundi pati maging sa ibang bansa sa Asya gaya ng Pilipinas at Thailand. Sa katunayan, ito ay sikat na exotic food sa Surigao, kung saan nakatira ang bata at ang kanyang pamilya na subject ng viral video.
Mapapatunayan na hindi na bago sa mga Pinoy ang coconut worm dahil napasama na rin ito bilang isa sa listahan ng exotic dishes ng Pilipinas mula sa feature articles ng Cebu Daily News ng Inquirer.net noong isang taon at top 6 exotic dishes ng Uncharted Philippines noong 2011.

Ayon sa Health Guide NG, isang online health and fitness magazine, ang nasabing coconut worm o sago worm ay magandang source ng protein. Hindi lang ‘yan, marami ring sustansya ang nakukuha sa coconut worm gaya ng calcium, zinc, amino acid at carbohydrates o energy.
Dahil din sa magandang nutritional quality content nito, may isang pag-aaral din ang isinasagawa sa Southeast Sulawesi, Indonesia kung saan dinagdagan pa ang pagkain ng coconut o sago worm ng mga bata na nasa edad na 1 hanggang 5 years old bilang traditional food at alternative food ng mga kabataan sa nasabing rural na lugar. Ito ay nakasaad sa Asia Pacific Journal of Clinical Nutrition.

Karapat-dapat ba ang bashing na natatanggap ng mga magulang ng bata? Sabi nga ni Idol Raffy, nararapat lang ang bashing kung:

Una, hindi nilinis ng mabuti ang coconut worm bago kainin. Dahil nga raw o hilaw ang pagkain ng bata dito, siguraduhin na tinanggal muna ang bituka nito at banlawan mabuti bago kainin.
Pangalawa, sapilitan bang pinakain sa bata ang coconut worm kahit ayaw niya o nandidiri dito?

Balikan ang nasabing viral video. Kitang – kita naman na enjoy na enjoy ang bata sa pagkain nito at shini-share pa sa kanyang mga kapatid. Umiiyak pa nga kapag inaagaw sa kanya ang kinakaing coconut worm. Kailangan na lang paalalahanan na magdaan sa malinis na food preparation ang coconut worm bago kainin.

Itigil na po ang bashing sa pamilya. Paalala lang din, kung hindi ka pamilyar sa nais mong kainin, mabutihin din na magresearch muna dahil hindi naman lahat ng sinasabing “nakakain” ay laging pwede sa atin. Ganoon din kapag bashing ang pag-uusapan, bago mambatikos, siguraduhin din na magresearch muna.
Sa region 2 (Isabela) ay exotic food namin yan. Pero hindi kmi kumakain ng hilaw yung iba ginagawang kilowen. Pero pag hilaw pa hindi namin kinakain pa.. masarap yan at mrming protein ang uod ng nuog or uod galing sa bundok. Yan ay malinis na uod kung tawagin samin sa isabela ay abaling sa ilocano.
It’s really a nice and useful piece of info. I’m happy that you just shared this
helpful info with us. Please stay us up to date like this.
Thank you for sharing.
I am really loving the theme/design of your web site.
Do you ever run into any internet browser compatibility issues?
A handful of my blog readers have complained about my site not working correctly
in Explorer but looks great in Chrome. Do you have any advice to help fix this
issue?
If you would like to take much from this paragraph then you
have to apply such methods to your won web site.
Wow, that’s what I was looking for, what a data! existing here at this web site, thanks admin of this web page.
If you desire to increase your experience simply keep visiting this website and be updated with the hottest news posted here.
buy prednisone from canada