IDOL RAFFY, BINAGO ANG BUHAY NG ISANG TINDERO NG ASIN

Ang bagong buhay ng dating tindero ng asin at ng concerned citizen hatid ng Raffy Tulfo In Action team

Matatandaan noong isang buwan, pinangakuan ni Idol Raffy ng bagong buhay ang tindero ng asin na si Tatay Zaldy Magante at ang kanyang apat na musmos na mga anak matapos makarating sa Raffy Tulfo In Action team ang kanilang kwento at mga larawan.

Naninirahan lamang sina Tatay Zaldy sa tabi ng riles ng tren sa Muntinlupa at iniwan pa ng kanyang asawa noong Araw ng Mga Puso para sumama sa isang tomboy na inaakala niyang kaibigan ng pamilya. Sa kabilang banda, nabago rin ang buhay ng concerned citizen na nag-upload ng kanilang larawan sa social media na si Jamaica Rose Nebato matapos hangaan ni Idol Raffy at ng mga netizen.

Hindi na isang informal settler sina Tatay Zaldy dahil hinanapan sila ng RTIA team ng isang apartment kung saan sagot ni Idol Raffy ang kanilang anim na buwang renta, kuryente at tubig. Para hindi na rin problemahin pa ni Tatay Zaldy ang gastusin, binigyan din siya ng pang-negosyong food cart at gulayan. Hindi na kailangang lumayo ni Tatay Zaldy sa kanyang mga anak upang maglako ng asin ng alas tres ng umaga mula Alabang hanggang Taguig. Mula sa kanyang tinitirhan ngayon, pwedeng pwede na siya kumita sa pagbebenta ng mga fishball, kwek-kwek, balut, gulay at iba pa.

Lubos din ang paghanga ni Idol Raffy sa mga kababayan nating kahit salat sa buhay ay nagagawa pang unahin na tulungan ang mas nangangailangan. Kaya naman ang concerned citizen na si Jamaica, isang single mom na walang trabaho, ay binigyan din ng tulong ni Idol Raffy bilang pasasalamat sa kanyang mabuting kalooban. Pinagkalooban siya ng financial assistance na ₱10,000, groceries para sa kanyang anak, rubber shoes, Tulfone at panimula sa kanyang online selling business na ₱25,000 worth of products mula sa Seikatsu, Inc.

Personal pa ipinadala ni Idol Raffy si Jyun Servancia mula sa Seikatsu Inc. para ibigay ang negosyo package. Ipinaliwanag din niya ang iba’t- ibang benefits ng  bawat Seikatsu product gaya ng:

1. GoodNight
Makakatulong upang maibsan ang problema sa pagtulog gaya ng stress, insomnia at jetlag. Dahil ito’y naglalaman ng Melatonin at Vitamin B6, sa tulong ng GoodNight, maaayos ang sleeping cycle ng tao.

2. Oxi-White
Ito ay mayroong collagen, pearl white, vitamin c at vitamin e upang mabigyan ng proteksyon ang balat laban sa labis na pagkababad sa sinag ng araw  na maaaring magdulot ng dark spots at pimples.

3. PRO FIBER
Para sa mga nagnanais magpapayat,  makakatulong ito upang mapabilis at mapaayos ang pagtunaw ng pagkain dahil sa taglay nitong fiber.

4. Gut Right
Sa tulong nito, made-detoxify ang tiyan mula sa toxins na nakukuha sa pagkain ng street food. Maganda rin ito para sa mga nakakaranas ng kabag at bloated stomach.

Hindi na rin siya mahihirapang ibenta ito online dahil may Tulfone na rin siya na maaaring gamitin sa pagpromote ng kanyang online business sa social media bilang isang official reseller ng Seikatsu Inc.

Comments

  1. Richelle gernato April 14, 2021 Reply
  2. jenifer Razon Gazzingan August 7, 2021 Reply

Leave a Reply to jenifer Razon Gazzingan Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *