Ang iyong MECQ QUICK GUIDE: Mga protocols na dapat sundin

Nang dahil sa labis labis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular sa Metro Manila, muling sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal kabilang ang mga probinsya ng Quirino, Abra at Santiago City ng Isabela. Ang MECQ ay ipapatupad mula April 12 hanggang April 30.

Ano ang protocols na dapat sundin? Anu-ano ang mga pagbabago?  Malaki ba ang pagkakaiba nito sa ECQ?

Una sa lahat, mahigpit pa ring ipinapatupad ang home quarantine at lilimitahan lang ang paglabas para sa pagbili ng essential goods at services o kaya pagpasok  sa opisina o establishment na nabigyan na ng permit para mag-operate.

MOVEMENT

Sino lang ang mga papayagang lumabas?

  • APORs – Authorized Persons Outside Residence (essential workers at frontliners)

Pinapayagan ang outdoor exercise basta’t ito ay gagawin lamang sa loob ng barangay o village. Kailangan pa rin sumunod sa standard health protocol habang isasagawa ang pag-ehersisyo.

AGE – BASED RESTRICTIONS

Sino ang mga bawal lumabas?

  • Below 18 at over 65 years old
  • May immunodeficiency, comorbidity at iba pang karamdaman o sakit
  • Mga buntis

Sa MECQ, ang bawat LGU ay maaaring i-relax ang minimum age hanggang 15 years old depende sa COVID-19 situation sa kanilang lugar.

CURFEW HOURS

  • NCR, Laguna, Rizal at Bulacan at Cavite – 8:00PM hanggang 5:00AM

TRANSPORTATION

Anu-ano ang mga uri ng transportasyon na pinapayagan mag-operate?

Lahat ng road, rail, maritime at aviation sectors ng public transportation ay maaaring mag-operate basta’t sumusunod sa tamang kapasidad at protocols na nakasaad sa guidelines ng Department of Transportation  (DOTr).

Ang travel for leisure ay mahigpit na ipinagbabawal.

MASS GATHERINGS

 Anong mga gatherings ang mahigpit na ipinagbabawal?

  • Ipinagbabawal pa rin ang mga gatherings sa labas ng iyong tinitirhan o residence.
  • Bawal din ang pagdalo sa gatherings sa bahay ng kahit sinuman na hindi naninirahan sa inyong bahay o hindi parte ng immediate household

Anong uri ng gatherings ang pinapayagan?

  • Religious gathering na may limit na 10% venue capacity

Maaari rin itaas hanggang 30% venue capacity depende sa mapagdesisyunan ng LGU

  • Gathering ng mga immediate family members para sa isang necrological o memorial services, burol, inurnment at funerals ng mahal sa buhay na ang cause of death ay hindi COVID 19.

BUSINESS OPERATIONS

Ang mga sumusunod na industriya ay mahigpit pa ring ipinagbabawal sa kasalukuyan.

  • Entertainment venues gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theatre at sinehan
  • Recreational venues gaya ng internet cafes, billard halls, amusement arcades atbp.
  • Theme parks o amusement parks
  • Venues para sa outdoor contact sports o games
  • Indoor sports courts o leisure centers gaya ng fitness studios/ gyms at swimming pools
  • Gambling establishment gaya ng casino maliban sa PCSO draw related activities
  • Indoor tourist attractions gaya ng library, museums, galleries at exhbits
  • Outdoor tourist attractions
  • Personal care services gaya ng salon at spa at maging home service activities nito

Pinapayagan naman ang mga sumusunod na mag-operate na may  100% on-site capacity na. Ito ang mga industriya na may 50% on-site capacity o kaya may on-site skeleton workforce noong ECQ.

  • capital markets , banks, pawnshops at money transfer services
  • media establishments
  • dental, rehabilitation, optometry and other medical clinics
  • veterinary clinics
  • energy sector, water supply, janitorial o sanitation services
  • airline and aircraft maintenance at aviation schools
  • telecommunication companies, internet s at cable television service provider
  • shipyard operations

Gayunpaman, hinihiyakat pa rin ang work-from-home at iba pang flexible work arrangements hanggat maaari.

Samantala, nananatili pa ring 100% o full on-site capacity ang mga “indispensable” o essential industries kung tawagin. Ito ang mga industriya na kahit ECQ ay may 100% on-site capacity.  

Sa kabuuan, malaki pa rin ang pagkakahawig ng MECQ at ECQ. Sa MECQ, dumami lang ang mga industries o establishments ang pinayagan na mag-operate muli. Gayunpaman, laging tandaan na ang general rule ay bawal pa rin lumabas kung hindi essential ang iyong pakay at hindi ka nabibilang sa APOR.

Stay at home, mga kapatid.

Comments

  1. Mark Anthony S. Bea April 16, 2021 Reply
    • Fermina cura April 23, 2021 Reply
    • Liezel Ann Yanson March 13, 2022 Reply
  2. RUSSELL I.ORNEDO April 19, 2021 Reply
  3. t.co August 30, 2021 Reply
  4. bit.ly September 3, 2021 Reply
  5. bitly.com September 5, 2021 Reply
  6. JEAN MARIE SANCHEZ JUMAMIL October 21, 2021 Reply
  7. Anita Martinez April 26, 2022 Reply
  8. Jekjek August 9, 2022 Reply
  9. Renecita Pueblo September 10, 2022 Reply
  10. Jen an September 11, 2022 Reply
  11. Pacita cueva September 12, 2022 Reply
  12. Lorena Monteza September 26, 2022 Reply
  13. Princess Ann Collao October 5, 2022 Reply

Leave a Reply to Princess Ann Collao Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *