IDOL RAFFY, NAGBABALA SA MGA KUMAKALAT NA “AYUDA SCAM”

Nagbigay babala si Idol Raffy patungkol sa mga dumadaming scams sa social media partikular na ang nagkalat na mga fake Facebook accounts ng Raffy Tulfo In Action kung saan ang mga scammers sa likod ng nasabing fake accounts ay nangangako ng limpak limpak na salapi bilang papremyo. Matatandaan na hindi na ito ang unang beses na nagbigay paalala si Idol Raffy sa mga netizens dahil mayroon na ring mga naireport na bogus accounts ng RTIA kung saan ginagamit ito upang maisagawa ang “ayuda scam” na talamak ngayong pandemya.

Sa mga iba’t-ibang klase ng scams na nauuso sa social media gaya ng “ayuda scam”, sinasamantala ng mga scammers ang pandemya upang mang-scam ng kapwa. Kalimitan, gagawa ang mga scammers ng fake o bogus Facebook accounts kung saan gagamit sila ng impormasyon at larawan ng ibang tao na nakukuha sa kanilang tunay na Facebook accounts.

Ang pekeng Facebook account na ito ang siyang gagamitin upang manloko ng iba. Ganito ang modus na ginagawa ng mga kawatan na gumagamit sa Raffy Tulfo In Action page. Nagpo-post pa ito ng mga larawan ni Idol at ng kanyang buong pamilya upang palabasin na ito ay tunay at may kredibilidad. Para mas makahikayat pa ng maraming biktima, may mga posts pa ang bogus accounts kung saan may mga larawan na naglalaman ng sandamakmak na salapi bilang cash giveaway na wala namang katotohanan at hindi ito konektado kay Idol Raffy o sa kanyang mga programa.

Ayon sa report ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP – ACG), mula March hanggang September noong isang taon, may naitalang 869 online scams sa kasagsagan ng quarantine. Pinatunayan din ng nasabing report na “identity theft” ang nangunguna sa nasabing online scams kung saan tumaas ito ng 21.47% kumpara sa datos noong 2019.


Narito ang mga iba’t-ibang Facebook links na natukoy bilang fake accounts ng mga kawatan na nambibiktima at nagpapakalat ng ayuda scam at mga papremyo kuno gamit ang pangalan at mga larawan ni Ido

1. https://www.facebook.com/…/permalink/1007343946464674/
2. https://www.facebook.com/…/permalink/1007342639798138/
3. https://www.facebook.com/…/permalink/1008298726369196/
4. https://www.facebook.com/shane.escorial.3
5. https://www.facebook.com/…/permalink/1008538359678566/
6. https://www.facebook.com/rosemarksuarez.palma
7.https://www.facebook.com/groups/tutok.to.win.everyday/permalink/751674335511438/
8. https://www.facebook.com/…/permalink/752000865478785/

<POST FAKE FACEBOOK PAGES>

Nauna nang nai-report ng RTIA team ang mga nabanggit na link at makakatulong din kung ang mga netizens ay magrereport sa Facebook laban sa mga bogus accounts na ito. Kung mayroon din kayong nakumpirma na bogus account o FB page na ginagamit pang-scam, narito ang mga
steps para maireport sila sa Facebook.

Pumunta sa page ng bogus account na nais ireport at hanapin ang tatlong tuldok sa kanang bahagi ng page.

1. I-click ang “Find support or report profile”.

2. May lalabas na notification na “Please select a problem to continue”.

3. I-select ang “Fake account” at pindutin ang “Next”.

4. Dadalhin ka sa next page na nagsasabing “Report Confirmation”. Basahin muli ang Community Standards. Kung kumpirmado na lumabag nga ito sa patakaran, i-tick ang box na nagsasabing “I believe that this goes against Facebook Community Standards”.

5. I-click ang “Report” button.

Samantala, paalala ni Idol Raffy na ang Raffy Tulfo In Action page na may 17 million followers ay ang kanyang ONE and ONLY at LEGIT Facebook account at wala nang iba pa. Sa madaling salita, ika nga ni Idol, kapag hindi 17 million followers ang nakikita sa facebook page na nagpapanggap bilang si Idol Raffy, ito’y kumpirmadong 1,000,000% fake.

<POST VIDEO NG PAALALA NI IDOL>

https://fb.watch/524QIAchWJ/

Comments

  1. Mary Grace Moldez April 23, 2021 Reply
  2. Analiza ducay April 25, 2021 Reply
  3. shiela may April 28, 2021 Reply
  4. Ma.rosalie senecca j. Abang Cañete April 30, 2021 Reply
  5. Manuel Mopal July 18, 2021 Reply
  6. it web hosting August 28, 2021 Reply
  7. t.co August 30, 2021 Reply
  8. http://j.mp/ September 1, 2021 Reply
  9. http://bit.ly/3kKtL7d September 2, 2021 Reply
  10. bit.ly September 6, 2021 Reply
  11. Marivic October 5, 2021 Reply
  12. Marivic Pedro Jose October 5, 2021 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *