Sir #Raffytulfo isa po ako sa addict sa programa niyo at marami na pong episodes ang napanuod ko at lalong lalo na sa mga natulungan niyo pong mga mahihirap. May gusto po akong ihingi ng tulong po sa inyo. Kapit bahay po namin dito sa Nueva Vizcaya. Mga mag lola. Iniwan sa lola ang limang mga maliliit pa na apo at ang tanging kabuhayan ng lola ay sa pangangalakal. Nag e-extra sa paglalaba at paglilinis ng bahay araw-araw sa halagang 300pesos per day. Tapos sa murang edad ng mga apo nagtitinda tinda ng mga gulay or pagkain sa bahay bahay. Ang tanging kahilingan ko po ngayon Sir ay mabigyan sila ng maayos na pagkakakitaan at suporta narin sa mga apo niya. madalas minsan sa isang araw lang sila kumakain dahil hindi po sapat ang perang kinikita sa araw araw na paghahanap buhay. Isa po sa apo ay may sakit sa puso pero dahil walang perang pangpagamot ay hindi na nabibigyan ng tamang treatment. Wala din silang ilaw sa bahay dahil walang pangbayad ng kuryente kaya po nagtitiis lang sila sa lampara. Sana po mabigyang pansin po itong panawagan ko po Sir #Raffytulfo. Maraming Salamat po in advance and mabuhay po kayo. God bless po always.