Mga dapat gawin kapag nasangkot sa bangaan sa kalsada

Nakasaad sa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System o MMARAS  annual report ng MMDA noong 2019 na may 121,771 naitalang road crash accidents sa bansa. Sa Metro Manila, Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng nasabing aksidente, sinundan naman ito ng Manila at Makati City habang lungsod naman ng Pateros ang may pinakamababang kaso ng road accident. Kung susuriing mabuti, kada araw may 334 ang naitatalang aksidente sa kalsada at may isang binabawian ng buhay sa bawat araw.

Ayon sa Department of Health, nangunguna din ang kaso ng road accidents sa pagkamatay ng mga bata na dinadala sa ospital. Patunay lamang ito na isa ang kalsada sa mga pinangyayarihan ng mga aksidente.

Kung mapunta sa sitwasyon at masangkot sa banggaan sa kalsda, ano nga ba ang dapat mong gawin?

1. I- check ang sarili

Kumalma at pakiramdaman ang sarili kung may galos o sugat na natamo at kung may masakit bang parte sa katawan. Importante na ikaw ay kalmado at hindi nagpapanic kapag nasangkot sa aksidente. 

2. I-check ang mga kasama sa kotse

Dapat mo ring i-check ang iyong mga kasama sa kotse kung sila ay may nararadaman na masakit sa kahit na anong parte ng katawan

3. Agad na humingi ng tulong sa awtoridad, tumawag sa 911

Kaagad ding humingi ng tulong sa awtoridad gaya ng pulis o traffic enforcer. Mabutihin rin na tumawag agad nsa 911 para agarang aksyon ang dumating

4. Huminto at huwag igalaw ang sasakyan

Mahalaga na hindi mag-iba ang pwesto ng mga sasakyan noong sila ay nagkasalpukan dahil dito malalaman ng mga imbestigador kung sino ang may mali sa banggaan. Mahalaga din na agad kuhanan ng larawan ang paligid kung saan naganap ang aksidente para mayroon kang ebidensya na maari mong ipakita kung sakaling baliktarin ka ng iyong nakabangaan.

5.  Makipag-ugnayan sa nakabanggaan

Mahalaga din na makipag-uganayan at makikipag usap ka sa inyong nakabanggan. Sa puntong ito, importante na ikaw ay kalmado habang nakikipag usap. Kinakailangan mo rin makipag palitan ng impormasyon kagaya ng detalye sa lisensya, OR-CR ng sasakyan at pangalan ng nakabanggaan.

6. I-check ang dashcam

Kung mayroon mang dashcam ang iyong sasakyan, importante din na ito ay iyong tignan para mas malinawan at mapabilis ang imbestigasyon ng mga pulis sa nangyaring banggaan

7. Kumonsulta sa abogado

Kung ikaw ay may kakilalang abogado o personal na abogado, makakatulong din na ikaw ay tumawag at humingi ng opinyon kung ano ang kinakailangan mong gawin at para na rin malaman mo pa nang lubusan ang iyong karapatan, mas higit pa kung ikaw ang binangga

8. Gumawa at mag-file ng Police Report

Sa police station, huwag kalimutan magfile ng police report. Dito mo isasaad ang mga detalye sa naganap na banggaan

9.  Tawagan ang iyong insurance company

Makipag-ugnayan sa iyong insurance company para sa mga kailangan ipagawa sa sasakyan at mabawasan ang iyong bayarin sa pagpapagawa ng mga nasira

10. General health check up

Para matiyak ang kaligtasan, mabutihing magpunta sa clinic o ospital upang magpacheck up may nararamdaman man o wala. Aanhin mo ang magandang sasakyan, kung iyo namang  mapapabayaan ang kalusugan.

Sabi nga nila, prevention is better than cure. Ibayong pag-iingat pa rin ang kailangan upang ang mga aksidente gaya nito ay maiwasan.

Comments

  1. Maria liza Completo January 20, 2021 Reply
  2. Aris Mercado February 2, 2021 Reply
  3. rene lerasan fursado February 3, 2021 Reply
  4. JOSEPHINE AHAT February 9, 2021 Reply
  5. MAE ANN TABIAN February 10, 2021 Reply
  6. Maryjo October 7, 2021 Reply
  7. Alisha October 13, 2021 Reply
  8. Drexler Ubaldo December 28, 2021 Reply
  9. Marissa J.Gavino April 3, 2022 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *