Nagloloko yata si Mister o Misis, ano ang dapat gawin?

Kung gaano kabilis makatagpo ng kasintahan basta’t may maka-match sa isang dating app, ganoon na rin daw kabilis pati ang hiwalayan. Ang dahilan ng hiwalayan ng magasawa ay maaaring iba iba. Pero, kung ito ay dahil sa pagtataksil, doble doble siguro ang sakit na madarama lalo na kung ang inaakala mong tao na iyong makakasama habang buhay, for better, for worse, for richer for poorer, ay nakahanap na ng iba.

Kung sa pakiramdam mo ay nagloloko sa iyo si Mister o Misis, narito ang mga maaari mong gawin.

1. Matutong mag-obserba

Huwag padalos dalos lalo na kung ito ay kutob lamang o ‘di kaya chismis na narinig sa hindi pinagkakatiwalaan na kapitbahay. Bago maghinala, obserbahan mo muna maigi kung ang mga sumusunod na senyales ng pagtataksil ay nakikita mong ginagawa ng iyong asawa.

• Itinatago ang cellphone o nagiging malihim sa social media account gaya ng Facebook messenger

• May pagbabago sa kinikilos gaya ng pananamit, pagaayos ng buhok at pabango

• May pagbabago din sa mga gustong puntahan, kainan o libangan na dati naman ay kailanman hindi niya naisipang gawin

• Kung may biglang pagtaas sa kanyang spending habits lalo na kung malalaman mo na lang na bigla siya nagkaroon ng bagong credit card na hindi ipinaalam sa’yo

• Nagiging matamlay o cold sa iyo

• Napapadalas ang paguwi ng gabing – gabi

• Nagiging makasarili

• Tinatanggihan ang pakikipagtalik sa’yo

2. Alamin ang impormasyon

Kung sakaling mapatunayan na may iba ang asawa, alamin ang mga detalye patungkol sa pagtataksil gaya ng

• Gaano na katagal ang kanilang relasyon o gaano na katagal na siya ay may kinakatagpo?

• Nakilala niya ba ito sa opisina? O saang lugar at okasyon?

• Gaano sila kadalas magkita at magusap?

• Nagkikita at naguusap pa rin ba sila hanggang ngayon?

3. Umiwas muna sa sitwasyon at magreflect mag-isa

Hindi makakatulong kung matapos malaman ang pagtataksil ng asawa ang pagtira pa rin kasama siya. Ayon sa isang clinical professional counselor na si Nicole Martinez, kailangan mapag-isa ang niloko sa relasyon upang maproseso niya mabuti ang pangyayari at makapagisip ng susunod na hakbang.

4. Magkaroon ng support system

Bilang naproseso mo na mag-isa ang sitwasyon, panahon na upang humanap naman ng kasangga sa katauhan ng iyong support system. Sila ay ang iyong pamilya at kaibigan. Makakatulong sila sa iyong paghilom.

5. Ilabas ang lahat ng emosyon

Masama na itinatago ang saloobin. Umiyak ka nang umiiyak dahil kailangan mo ‘yan. Ang pag-iyak ay hindi senyales ng pagkatalo. Ito ay paraan ng pagtanggap sa mga pangyayari. Makakatulong din ang pagiyak upang mapabilis ang iyong pag-recover sa sitwasyon.

6. Huwag gumanti sa asawa

Naalala mo ba ang kasabihang, “hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali”? Ito ay naaayon sa hakbang na ito. Normal siguro na iyong maisip na gumanti sa asawa upang maramdaman niya rin ang sakit na iyong nararamdaman. Ngunit, hindi ito ang tamang paraan. Panahon na para unahin mo ang iyong sarili. Alagaan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro araw- araw, pagskin care, pagehersisyo, pagkain ng masustansya. Gawin mo ang makakapagpasaya at makakapagpabuti sa iyong mental, emotional at physical health.

7. Huwag sisihin ang sarili

Ang bawat aksyon na ating ginagawa ay ating ginusto. Ito ay ating choice. Huwag sisihin ang sarili sa kasalanan na ginawa ng iba kahit asawa mo pa man siya.

8. Kumausap ng Marriage Counselor

Sa suliranin na ito, tandaan mong hindi ka nag-iisa. Mayroon tayong mga professional Marriage Counselors. Huwag magdalawang – isip pa na lumapit sa kanila. Makakatulong ang mga eksperto sa iyong paggawa ng desisyon at mga susunod na hakbang.

9. Huwag magmadali mag-move on

Hindi madali ang iyong pinagdadaanan kaya huwag din madaliin ang paghilom. Mahalaga na sa bawat araw na dumadaan, mas nauunawaan mo na ang mga pangyayari. Mahalaga na natututo ka na muling mas mahalin ang iyong sarili at mas maging positibo sa buhay. Tandaan, ang bagay na ipinipilit nating mangyari, kadalasan, hindi ito ang para sa atin.

Comments

  1. Jonathan litrero January 21, 2021 Reply
  2. Melvin santos January 29, 2021 Reply
  3. Ida B. Ambo January 29, 2021 Reply
  4. brian January 29, 2021 Reply
  5. Cunalyn mesa February 12, 2021 Reply
  6. Ma. Jelly Cascayan Madrazo February 12, 2021 Reply
  7. Analiza Dahiroc February 12, 2021 Reply
  8. Jennifer flores azur February 12, 2021 Reply
  9. Jennifer flores azur February 12, 2021 Reply
  10. Anne February 13, 2021 Reply
  11. may-ann mejeres February 13, 2021 Reply
  12. Clang de paz February 13, 2021 Reply
  13. Katherine Pardillo February 13, 2021 Reply
  14. Laiza abenales February 13, 2021 Reply
  15. sai February 14, 2021 Reply
  16. Aniana M. Valdez February 15, 2021 Reply
  17. ANIANA MENDOZA-VALDEZ February 15, 2021 Reply
  18. Reeyan Bensali February 15, 2021 Reply
  19. shieryl chavez August 11, 2021 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *