Mga dapat tandaan kapag nahuli dahil sa paglabag sa curfew

Alam niyo ba na ayon sa report mula sa Philippine National Police, may bilang na 42,826 ang nahuli na lumabag sa curfew sa loob lamang ng 11 araw mula noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong ika – 17 ng Marso?

Bawat local government unit o LGU ay may kanya – kanyang minandatong curfew hours at antas ng community quarantine. Kahit ito ay iba-iba, sa panahon ngayon, iisa lang naman ang layunin ng pagakakaroon ng curfew hours at ito ay para maiwasan ang community transmission ng Covid 19.

Sa Metro Manila, ang curfew hours ay nag-aapply sa lahat maliban na lang kung ikaw ay tinatawag na Authorized Persons Outside of Residence o APOR. Ang mga kabilang sa APOR ay mga tao na nagtatrabaho sa industriya na may pahintulot mag-operate sa ilalim ng General Community Quarantine o GCQ.  Para sa mga authorized persons, huwag kalimutan magdala ng ID bilang patunay na kayo ay kabilang sa APOR. Ito rin ang kailangan niyong i-present kung sakaling maharang ng pulisya o barangay tanod. Dapat work related lang din ang dahilan ng paglabas.

Para naman sa iba na hindi APOR at lumabag sa curfew hours ng kanilang LGU, may kaakibat na parusa at warning pa rin ito pero hindi ito kinakailangan maging marahas. Pinaalalahanan ni Joint Task Force Covid Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang pulisya at mga enforcers na inatasan ng LGU gaya ng mga barangay tanod na siguraduhin ang pagiging makatao at hindi marahas na paghuli sa kung sinuman ang lalabag sa curfew. Kanyang iminungkahi din na wala dapat mang-aabuso at hindi na maulit ang mga kaganapan noon kung saan may mga curfew violators ang kinulong sa isang dog cage, pinaupo sa kalsada habang tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw. Kung sakaling mapatunayan na may pagmamaltrato na naganap, may parusa ding matatamo kung sino man ang may pananagutan.

Panatlihin na essentials at work-related lamang ang dahilan ng paglabas ng bahay. Kung sakaling kinakailangan pa rin lumabas ng bahay, siguraduhin na ang mga safety protocols gaya ng one meter social disctancing, pagsuot ng face mask, face shield at lagi pagdadala ng alcohol ay magawa.

Tandaan na hindi lang responsibilidad ng gobyerno, LGU o pulisya ang kaligtasan ng lahat lalo na sa banta ng sakit na Covid – 19. Ito ay isang joint force responsibility ng gobyerno at ng mga mamamayan. Sa madaling salita, bawat isa ay may malaking responsidilidad upang ang  daan patungo sa isang ligtas na kapaligiran ay muling makamit. Hindi man natin maibabalik na ang dating normal na buhay na ginagalawan, mas ligtas na komunidad ang maaari pa rin nating maranasan.

Comments

  1. Nitz January 25, 2021 Reply
  2. web hosting was August 28, 2021 Reply
  3. bitly.com August 30, 2021 Reply
  4. bit.ly September 1, 2021 Reply
  5. asmr of September 3, 2021 Reply
  6. this asmr September 6, 2021 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *