Dating tips sa darating na Valentine’s ngayong pandemic

Magagandang bulaklak, matatamis na tsokolate, nakakakilig na love letters, mga sweet na sweet na couples at nagbobonggahang restaurant dates, lahat ng mga nabanggit ay inilalarawan ang panahon ng Valentine’s. Ngunit, papaano na lang ba ito paghahandaan ngayon lalo na’t may takot pa rin ng COVID 19 sa paligid? 

Ngayong pandemic, maraming mga nakagawian ang hindi na maaaring ipagpatuloy. Kung mayroon man ang kailanman ay mahirap pigilan, ito na siguro ang pag-express ng feelings sa isa’t – isa lalo na sa panahon ng araw ng mga puso. Kaya naman, narito ang mga dating tips na magsisilbing inyong gabay sa darating na Valentine’s ngayong pandemic.  

1. Subukan ang virtual date gimiks 

Ngayong pandemic kung saan ay nasa ilalim pa rin tayo ng community quarantine, ang iyong priority dapat ay kaligtasan ng lahat. Maraming paraan upang makapagdiwang ng Valentine’s Day gamit ang mga online tools. 

A. Magset-up ng virtual date gamit ang video chat platform gaya ng Google Duo at sopresahin ang isa’t – isa ng inyong secret valentine’s gift delivery 

B. Sabay manood ng series o magmovie marathon gamit ang Netflix streaming party 

C. Maglaro ng online games gaya ng Among Us. Isali din ang barkada para mas masaya at mas makilala pa ang isa’t – isa. 

2. Romantic date sa loob ng bahay 

Para iwas sa maraming tao, magsagawa na lamang ng romantic date sa loob ng bahay. Maaaring kayo na rin magluto at maghanda ng pagkain. Gawing bonding ang pagluto ng magkasama.

Pwede rin naman magpadeliver ng pagkain mula sa paborito niyong restaurant. Para mas romantic, magpaka-artsy at mag-DIY table set up. Sopresahin pa ang inyong partner sa pagbasa ng ginawa mong love letter. Kilig na, safe pa! 

3. Outdoor date  

Kung buo na ang loob at napagpasyahan na lumabas para sa isang outdoor date experience, laging tandaan, safety first! Huwag kalimutan na sumunod sa basic precautionary measures gaya ng pagsuot ng face mask, face shield, laging pagsanitize at social distancing kahit saan man magpunta.

Humanap ng lugar o dating place kung saan hindi matao. Kung mapansin niyo na puno na ang restaurant, mas mainam na lumipat na lang.

Kung naging pa-cool at nagpumilit ang iyong date na hindi magsuot ng face mask at napatunayan mo na siya ay lumalabag sa isang basic safety protocol, baka hindi siya ang “the one”.

Tandaan, ang taong nararapat sa iyo ay hindi dapat nagdadala ng pahamak. 

4. Magcelebrate ng Valentine’s kasama ang pamilya 

Walang significant other? Hindi ‘yan dahilan upang hindi magdiwang ng Araw ng mga Puso! Sino pa ba ang dapat i-date? Walang iba kundi ang iyong pamilya na simula Day 1, nariyan upang magbigay ng pagmamahal sa iyo. Hindi kinakailangan bongga ang celebration. Maaari mo itong gawing extra special at memorable sa pamamagitan ng pagbigay ng surprise love letters. 

5. Huwag kalimutan ang sarili, mabuhay ang “self – love” 

Ang pinakamabisang paraan upang ma-express ang pagmamahal sa ibang tao ay ang buong pagtanggap at lubos na pagmamahal sa iyong sarili muna. Sa kahit anong sitwasyon, hindi masamang unahin ang sarili. Love yourself, ika nga.

Huwag malungkot kung hindi pa nakikilala si “the one”.  Siya ay ibibigay sa iyo sa panahon na hindi inaasahan, sa panahon na ikaw ay buong – buo at sa panahaon na handang-handa ka na.

Comments

  1. Allen Gavertan albino February 13, 2021 Reply
  2. Riymond Peregrino February 13, 2021 Reply
  3. Daryl brajon February 13, 2021 Reply
    • Daryl brajon February 13, 2021 Reply
  4. RACHELLE Data February 13, 2021 Reply
  5. Emily San Esteban Ramirez February 14, 2021 Reply
  6. Riza may sanchez February 14, 2021 Reply
  7. Glady ROSE BABON February 14, 2021 Reply
  8. Angelo estaniel February 14, 2021 Reply
  9. Joana Marie T. Bajado February 15, 2021 Reply
  10. Eldenetchel caindoy February 15, 2021 Reply
  11. John paul jordan February 15, 2021 Reply
    • John paul jordan February 15, 2021 Reply
    • John paul jordan February 15, 2021 Reply
  12. Crissel cuya February 16, 2021 Reply
  13. Elizabeth Arinzol February 21, 2021 Reply
  14. Orly C.Dalmacio February 24, 2021 Reply
  15. Patchulense hupa Imbing March 3, 2021 Reply
  16. Robert alcantara palima March 10, 2021 Reply
  17. Mariam makapondag March 14, 2021 Reply
    • Mariam makapondag March 14, 2021 Reply
  18. Mariam makapondag March 14, 2021 Reply
  19. Mariam makapondag March 14, 2021 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *