Mga senyales na ikaw ay tinatarget maging biktima ng investment scam

Sino ba naman ang makakalimot sa Aman Futures noong 2012? Ito ay tinaguriang isa sa pinakamalaking investment scams sa bansa kung saan higit sa 12 bilyon na pera ang naibulsa ng scammers mula sa halos 15,000 katao sa Visayas. Ayon sa mga biktima, sila ay pinangakuan ng 50 hanggang 80 porsyentong kita sa loob lamang ng 17 – 20 na araw. 

Nakakalungkot mauwi sa wala ang ipon mula sa dugo’t pawis na pagsisikap sa trabaho. Iwasan ang mabiktima ng scam! Narito ang mga senyales na ikaw ay tinatarget na ng mga investment scammers. 

1. “Double your money” sa loob ng napakabilis na panahon 

Lahat ninanais na madoble ang pera. Ngunit, sa panahon ngayon, mahirap iyan ma-achieve ng mabilisan. Kaya talagang  dapat maalarma kung ikaw ay pinapangakuan ng double your money sa loob ng mabilis na panahon gaya ng sa loob ng isang buwan. 

Laging tandaan tip: Sa kahit anong klase ng investment, mahalaga ang konsepto ng oras o panahon. Kung sandali mo lamang ininvest ang pera mo, huwag mag-expect ng malaking kita. Para may potensyal na lumaki ang kinikita sa investments, oras o panahon ang ginugugol. Ika – nga sa isang quote “It takes time to build wealth”. 

2. “Walang lugi ang pera mo! Safe na safe” at ginarantiya pa ang malaking kita 

Magising sa katotohanan! Sa bawat uri ng investment, may risk na kaakibat. Numero uno sa pag-spot ng scammers ay kapag ginarantiya ang iyong income at wala pang risk.

Laging tandaan tip: kung walang risk, walang kita; kung kaunting risk, kaunti ang kita at kung malaki ang risk, malaki din ang potensyal na kita. Sa lahat ng uri ng investment, ang kikitain in the future ay kailanman hindi garantisado. 

3. Mas maraming mapapa-invest, “more chances of winning” daw 

Kung ikaw ay hinihikayat na magrecruit ng maraming maraming tao bilang investor para ikaw ay tiyak na mas kumita ng malaki, senyales na ‘yan na ikaw ay inii-scam, baka uri pa ng pyramid scam ‘yan. 

Laging tandaan tip: Ang pag-invest ay isang napaka-personal at unique na usapin. Ang isang investment para sa iyo ay maaaring hindi para sa iba. At, ang investment na para sa iba ay maaaring hindi para sa iyo. Kailanman, hindi naging dependent ang iyong mataas na kita sa dami ng taong mahihikayat na mag-invest. 

4. Hindi nag-eexist ang sinasabing “investment company” sa tuwing iyong ire-research 

Mas kilabutan na kung ang nangangakong magpapalago ng iyong kaperahan ay hindi nag-eexist sa tuwing ito ay iyong i-research. Sa panahon ngayon, maswerte na tayo na makakalap ng impormasyon sa pamamagitan ng isang click lang sa internet. Kung ang kanilang kumpanya ay hindi mahanap, malaki ang chance na ito ay scam. 

Laging tandaan tip: Sa kahit anong klase ng investment na iyong papasukin, kailangan magresearch ng maigi. Huwag papasok sa isang bagay ng walang kaalaman na bitbit. Maaari mong i-research ang investment company sa Philippine Investment Funds Association (PIFA), Securities and Exchange Commision (SEC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para makumpirma mo kung ang investment company ba ay registered at lehitimo. 

Isang disiplinadong proseso at uri ng paglalakbay ang pag-iinvest. Hindi lang pera ang iyong ini-invest, kundi pati oras at panahon. Sa iyong paglalakbay, natural ang mga risks na matatamo. Sabi nga ng mga lehitimong investment experts, “the lower the risk, the lower the return; the higher the risk, the higher the potential return”.  Para sa mga beginners, mahirap maintindihan ng agaran ang proseso ng pag-iinvest kaya mahalaga na kumonsulta sa legit investment experts o advisors na siyang tiyak na makakapagbigay sa iyo ng kaalaman at gabay.

Kung iyong napatunayan ang presensya ng mga nabanggit na senyales sa taong nagtatangkang mag-scam sa iyo, ipagbigay alam agad ito sa BSP at SEC para maagapan ang kanilang pambibiktima ng scams.

Comments

  1. Jesus Elvin Afenir February 19, 2021 Reply
  2. May Jhoice February 19, 2021 Reply
  3. Maria Jessa Blancaver February 20, 2021 Reply
  4. Jojo navales romano February 21, 2021 Reply
  5. Flora Agsalog Macmod February 22, 2021 Reply
  6. Mariel Paredes February 22, 2021 Reply
  7. Erwin February 22, 2021 Reply
  8. Joana villaruel Trijo February 23, 2021 Reply
  9. Narciso Jermice February 23, 2021 Reply
  10. Preciosa B. Romano February 24, 2021 Reply
  11. XMC.PL July 27, 2021 Reply
  12. Wilson freeman April 6, 2022 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *