KINAKASAMA NG PUMANAW CURFEW VIOLATOR NA PINAG-PUMPING NG 100X, NAGPASAKLOLO KAY IDOL!

“Sir Raffy Tulfo, tulungan niyo po ako na mabigyan ng hustisya ‘yung pagkamatay ng asawa ko”, ‘yan ang sambit ni Reichelyn Balce, ang live- in partner ni Darren Penaredondo, ang curfew violator sa Cavite na namatay. Hinihinala na siya ay namatay matapos mag-pumping o push-up ng mahigit 100 na beses bilang  punishment ng mga humuli sa kanya. Agad ito pinaimbestigahan ni Idol Raffy at pinangakuan na tutulungan si Reichelyn upang makamit ang hustisya at siya na rin ang sasagot sa funeral services ni Darren at magbibigay ng assistance sa naulila nito. 

Sa panayam ni Idol Raffy kay P/Lt. Col. Marlo Solero, Chief of Police ng Gen. Trias Cavite, kanyang dineny ang akusasyon na  pinagpump ng 100 na beses sina Darren at ang iba pang curfew violators. Salungat ito sa naging personal investigation ni Col. Marlon Santos, Provincial Director ng Cavite PNP. Ayon sa kanya, nakausap niya ang dalawa sa pitong curfew violators na inaresto ng mga barangay tanod ng Tejero at kanilang kinumpirma na sila ay pinag-pumping ng 100 na beses. Dahil sa pagdeny ng nasabing paratang na physical exercise o 100x pumping at hindi pagkakaroon ng imbestigasyon bago magkaroon ng conclusion na hindi totoo ang paratang, naglabas na ng order para  i-relieve o masibak ang Chief of Police kasama ang dalawang personnel na sangkot sa isyu. Ang nasabing order sa pagrelieve ng mga nasasangkot ay nauna na ring inirekomenda ni Idol Raffy.  

Matatandaan na nauna nang nakipag-ugnayan si Idol Raffy kay PB Gen. Ildebrandi Usana, ang Spokesperson ng PNP. Ayon sa kanya, hindi dapat nag-iimpose ng physical punishment sa mga ECQ violators. Ang mga nasabing violators ay dapat mag-aattend lamang ng lecture o seminar patungkol sa IATF guidelines. Hindi rin sila dapat arestuhin at bukod sa pagdalo ng seminar, maaari rin silang mag-community service. 

Hiling din ni Reichelyn na kasuhan ang mga mananagot sa pagkamatay ng kanyang partner. Sa panayam ni Idol Raffy kay Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff ng Office of Rep. Jocelyn P. Tulfo ng ACT CIS Partylist, sinabi ni Atty. Garreth na  hindi kasama sa allowable penalty ng kahit anong ordinance ng Bayanihan Act o Act of Community Quarantine ang pagkakaroon ng physical punishment gaya ng pagpumping ng 100 na beses. Dahil kahit sinuman ay hirap na isagawa ang nasabing exercise, maaari ito maipasok sa Anti Torture Act. Ano ang sintensya kapag sila ay mapatawan ng nasabing kaso? Life imprisonment at bawal rin sila magpiyansa. 

Sa kasalukuyan, nagkakaroon pa ng imbestigasyon sa pangunguna ng Provincial Director Col. Santos ng PNP upang tignan ang posibleng karagdagang na administrative liability at kaso na ipatong sa mga mananagot base sa level of participation sa kaso. 

Sa ikalawang banda, base sa death certificate na natanggap ni Dr. Alexis Angelo Sulit, Medical Specialist/ Medico Legal Officer ng PAO Forensic Laboratory, kinumpirma niya na may pre-existing condition na Hypertension si Darren at ang cause of death ay Cerebrovascular Infarct Midbrain kung saan may pagdurugo ng utak sa midbrain dahil may pumutok na ugat. Isa sa mga possible causes  o nagtrigger nito ay maaari rin maikonekta sa matinding physical activity na pinagdaanan ni Darren. 

Madiin na panawagan ni Idol Raffy ay ang pagkakaroon ng CCTV camera sa mga lugar kung saan dadalhin ang mga ECQ violators para sa seguridad ng bawat kampo. Dagdag din niya na itigil na ang pagpataw ng physical exercise gaya ng pumping bagkus, tiketan na lang sila at ipag-attend ng lecture na lamang. 

Abangan ang mga susunod na kaganapan sa kasong ito. Samantala, mapapanood ang two part story na ito sa Raffy Tulfo In Action YouTube Channel na may pamagat na “NA-CURFEW. PINAG-PUMPING. NANGHINA. NAMATAY”.

Comments

  1. Cherry claro April 14, 2021 Reply
  2. Catherine April 15, 2021 Reply
  3. sonny zee April 15, 2021 Reply
  4. Elizer cornelio April 18, 2021 Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *