
Nang dahil sa labis labis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular sa Metro Manila, muling sumailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal kabilang ang mga probinsya ng Quirino, Abra at Santiago City ng Isabela. Ang MECQ ay ipapatupad mula April 12 hanggang April 30.

Ano ang protocols na dapat sundin? Anu-ano ang mga pagbabago? Malaki ba ang pagkakaiba nito sa ECQ?

Una sa lahat, mahigpit pa ring ipinapatupad ang home quarantine at lilimitahan lang ang paglabas para sa pagbili ng essential goods at services o kaya pagpasok sa opisina o establishment na nabigyan na ng permit para mag-operate.

MOVEMENT
Sino lang ang mga papayagang lumabas?
- APORs – Authorized Persons Outside Residence (essential workers at frontliners)
Pinapayagan ang outdoor exercise basta’t ito ay gagawin lamang sa loob ng barangay o village. Kailangan pa rin sumunod sa standard health protocol habang isasagawa ang pag-ehersisyo.

AGE – BASED RESTRICTIONS
Sino ang mga bawal lumabas?
- Below 18 at over 65 years old
- May immunodeficiency, comorbidity at iba pang karamdaman o sakit
- Mga buntis
Sa MECQ, ang bawat LGU ay maaaring i-relax ang minimum age hanggang 15 years old depende sa COVID-19 situation sa kanilang lugar.

CURFEW HOURS
- NCR, Laguna, Rizal at Bulacan at Cavite – 8:00PM hanggang 5:00AM

TRANSPORTATION
Anu-ano ang mga uri ng transportasyon na pinapayagan mag-operate?
Lahat ng road, rail, maritime at aviation sectors ng public transportation ay maaaring mag-operate basta’t sumusunod sa tamang kapasidad at protocols na nakasaad sa guidelines ng Department of Transportation (DOTr).
Ang travel for leisure ay mahigpit na ipinagbabawal.

MASS GATHERINGS
Anong mga gatherings ang mahigpit na ipinagbabawal?
- Ipinagbabawal pa rin ang mga gatherings sa labas ng iyong tinitirhan o residence.
- Bawal din ang pagdalo sa gatherings sa bahay ng kahit sinuman na hindi naninirahan sa inyong bahay o hindi parte ng immediate household
Anong uri ng gatherings ang pinapayagan?
- Religious gathering na may limit na 10% venue capacity
Maaari rin itaas hanggang 30% venue capacity depende sa mapagdesisyunan ng LGU
- Gathering ng mga immediate family members para sa isang necrological o memorial services, burol, inurnment at funerals ng mahal sa buhay na ang cause of death ay hindi COVID 19.
BUSINESS OPERATIONS

Ang mga sumusunod na industriya ay mahigpit pa ring ipinagbabawal sa kasalukuyan.
- Entertainment venues gaya ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, theatre at sinehan
- Recreational venues gaya ng internet cafes, billard halls, amusement arcades atbp.
- Theme parks o amusement parks
- Venues para sa outdoor contact sports o games
- Indoor sports courts o leisure centers gaya ng fitness studios/ gyms at swimming pools
- Gambling establishment gaya ng casino maliban sa PCSO draw related activities
- Indoor tourist attractions gaya ng library, museums, galleries at exhbits
- Outdoor tourist attractions
- Personal care services gaya ng salon at spa at maging home service activities nito

Pinapayagan naman ang mga sumusunod na mag-operate na may 100% on-site capacity na. Ito ang mga industriya na may 50% on-site capacity o kaya may on-site skeleton workforce noong ECQ.
- capital markets , banks, pawnshops at money transfer services
- media establishments
- dental, rehabilitation, optometry and other medical clinics
- veterinary clinics
- energy sector, water supply, janitorial o sanitation services
- airline and aircraft maintenance at aviation schools
- telecommunication companies, internet s at cable television service provider
- shipyard operations
Gayunpaman, hinihiyakat pa rin ang work-from-home at iba pang flexible work arrangements hanggat maaari.
Samantala, nananatili pa ring 100% o full on-site capacity ang mga “indispensable” o essential industries kung tawagin. Ito ang mga industriya na kahit ECQ ay may 100% on-site capacity.


Sa kabuuan, malaki pa rin ang pagkakahawig ng MECQ at ECQ. Sa MECQ, dumami lang ang mga industries o establishments ang pinayagan na mag-operate muli. Gayunpaman, laging tandaan na ang general rule ay bawal pa rin lumabas kung hindi essential ang iyong pakay at hindi ka nabibilang sa APOR.

Stay at home, mga kapatid.
Magandang araw po, Sr. Raffy Tulfo idol ako po c Mark Anthony S. Bea nais ko po sanang ilapit sa inyong programa ang aking personal na problema patungkol po eto sa aking bank account sa BPI Balibago Sta.rosa na matagal ko nang inaasahan na ma widraw. ngunit dahil sa mga pabago bagong schedule at pino-postpone ng taga bangko hindi ko po maintindihan kung sinasadya ba o ganyan talaga ang kanilang proseso kung bakit pinatatagal ng mga taga bangko habang ako po ay nag fo-follow up thue text. kasi magpapaschedule na po ako ng widraw pero pinasa po ako Kay Attorney sa main branch sa San Pedro ngunit lagi din po pino-postpone at nang humingi po ako ng Statement of Account ay walang binigay sa akin ang banko na Kay Attorney ng banko lahat ng documents ko.
Umaasa po kami na sana po ay matulongan po into kami sa aming problema masyado na po kaming naaabala sa ginagawa nila sa akin.
Maraming Salamat po.
Good morning po sir raffy tulfo gusto ko lang po sana humingi ng tulong sa inyo na makapag paopera po aq ng breast q matagal ko na po kc iniinda ang sakit simula ng january pa po galing po aq ng probinsya para po sana makahanap ng trabaho dito sa manila ang kaso po nagkaroon po aq ng bukol sa kanang breast q nagpaultrasound po aq 2 pong bukol ang nakita natatakot po aq maging cancerous gusto q npo sana ipatangal wala lang po aq financial para mapasurgery ko wala po aqng trabaho ang mga anak ko po iniwan q sa probinsya sa magulang ko para sana magtrabaho dto sa manila sana po sir raffy matulungan po ninyo aq sa problema ko..
Sir Idol Raffy Tulfo,Magandang gabe po sa inyo sir ,sana po matulungan ninyo kami mga ofw nanggaling sa marshall island sa kadahilanang hindi po tama ang ginagawa nila amin po ng mga ofw unang una po sa aming contrata namin na dual contract at ang benepisyo na wala po kami natanggap bago po kami umuwe ng pilipinas at bukod pa po diyan marami pa po sila nilabag sana po sir idol raffy matulungan mo po kami sa problema namin Salamat po Godbless po…
Actually when someone doesn’t know after that its up to other viewers that they
will assist, so here it takes place.
Valuable info. Lucky me I discovered your website by accident,
and I’m stunned why this twist of fate did not happened in advance!
I bookmarked it.
I am sure this paragraph has touched all the internet users, its really
really good article on building up new webpage.